Left and right comments are spreading like wildfire through social media regarding the Mayor Duterte’s vulgar comment on the Pope. Some chose to be understanding while some opted to call out the Mayor’s rude context towards the Pope but Ian Enero took to Facebook and embraced the cuss word and applied it to the Mayor’s policies in making Davao City the safe haven that they are proud of today.
10 P*TANG IN*NG POLICIES NI MAYOR DUTERTE NA INIMPLEMENT SA DAVAO CITY!
1. SMOKING ORDINANCE – Ginawa itong ordinance na to in 2002,hindi pa ako marunong manigarilyo nun. It was in 2005 when I started smoking. It wasn’t seriously implemented yet that time but after a few years sineryoso na talaga ang pagimplement ng anti-smoking ordinance. Nakakairita nung panahon na yun kasi gusto mong magyosi hindi na pwede kahit saan. But later on you’d realize tama rin naman yun eh, 2nd hand smoke is dangerous. Kung gusto mong magpakamatay eh wag kang mandamay ng ibang tao.
2. TOTAL FIRECRACKER BAN – I was 12 years old when this was implemented. Simula nung 9 years old ako nahiligan ko ng magipon ng allowance para tuwing december makakabili ako ng maraming kwitis at kung anu-ano pang pailaw. Eh p*tang ina hinding hindi ko na mararanasan pang magsindi ng kwitis at panoorin itong lumipad at pumutok. Pero katagalan as you grow older hindi lang rin naman pala paputok ang paraan ng pagcelebrate ng pasko at new year. Kung tutuusin, enjoy na rin kaming maghagis ng kaldero at kung ano ano pang bakal sa daan sabay on ang alarm ng mga sasakyan. Siguro kung hindi inimplement yung firecracker ban baka sa sobrang hilig ko sa firecrackers eh matagal na wala mga daliri ko. lol
3.NO TO BORA-BORA or MODIFIED MUFFLERS – Wala akong motor. Okay lang sa akin to. lol
4.VIDEOKE USAGE RESTRICTION – Eh sino bang Pinoy sa lupa ng Pilipinas ang hindi mahilig magvideoke? Kahit gaano pa ka sintunado ang boses nyo hahawak at hahawak ka pa rin ng microphone, lasing ka man o hindi basta may get together eh kakanta ka talaga. Eh potang ina, binawal na ang pagvivideoke sa mga public establishments hanggang 10pm nalang. Nakakabadtrip dba? Pero naranasan mo na ba tumira malapit sa isang establishment kung san nagpapavideoke sila hanggang madaling araw? Hindi ka makatulog ng maayos dba kasi ang ingay nung kumakanta, masmaganda pa boses ng manok kung ito ay nagtitila-ok. Isipin mo na lang masmasarap talaga matulog ng mahimbing na wala kang maririnig na nagvivideoke. lol
5.SPEED LIMIT ORDINANCE – 17 years old ako nung simula akong magmaneho magisa. Syempre idol ko si Paul Walker, eh kung gawin ko rin kaya yun sa highway. Pero kalaunan nung nakatikim na akong mabundol ng epal na driver na ang bilis magmaneho tapos ako ang bagal ng patakbo that time, eh natural mahihighblood ako.Doon mo na maiisip na medyo mali talaga magFast and furious ka sa kalsada. lol Eh nakatikim na rin ako na mahuli dahil overspeeding, mahirap ang parusa magbabayad ka ng fine plus isang araw ang mawawala sayo sa pagaantay na makuha ulit ang lisensya mo. Eh masmainam nalang yung mabagal ka magpatakbo kaysa makabangga ka ng tao,sasakyan mas malaki babayaran mo or mahuhuli kang overspeeding mawawalan ka ng isang araw at syempre ang pera na ibabayad mo sa fine.
6.LIQUOR RESTRICTION – Lahat ng mahilig magparty, uminom na parang wala ng bukas alam na alam ito! 2013 <–ang taon sinimulang iimplement ito. Liquor ban is from 1am-8am. Eh kung gusto nyong uminom hanggang umaga, bumili na lang kayo sa kung sang convenience store meron at doon kayo uminom sa bahay nyo or bahay ng kaibigan nyo. This was made para iwas disgrasya sa mga nagmamaneho ng lasing. Before this LIQUOR RESTRICTION, trust me, palagi akong nanonood ng news sa tv at nakikinig rin ng news sa radyo, ang daming namamatay sa kalsada dahil sa vehicular accidents at ang dahilan, lasing ang nagmamaneho. Sino ba naman gusto mawalan ng kamag-anak dahil lasing yung driver ng sasakyan na nakabundol sa kamag-anak nyo?
7. NO TO DISHONEST TAXI DRIVERS – This ordinance prohibits taxi drivers from doing contract fares. Although meron pa rin talagang ibang mga pasaway. Pero since inimplement ito tumino na karamihan ng mga taxi drivers. 2 days sumakay ako ng taxi kasi unavailable yung ginagamit ko na sasakyan. Alam ko na minus 10 pesos yung total na babayaran ko. Kaso sinubukan ko yung 4 na drivers ng taxi na bigyan sila ng sobra then sabay baba sa taxi nila, sila pa ang tumawag sakin sir, sobra binigay nyo. If I remember it right, bluetaxi, holiday, aaliyah and yung isa d ko matandaan ang pangalan nung company.
8. ANTI-DRUNK DRIVING LAW – Pagnakadamage ka ng property, private or government property tapos malalaman ng police na lasing ka? Goodluck sa amount ng damages na babayaran mo. 25k-250k ang range ng fines plus ilang taon na pagkabilanggo at marerevoke ang license mo. I’m not sure about the exact punishments/fines but the thought is, WAG KA NANG UMINOM NG ALAK ATSAKA MAGMANEHO PAUWI. lol Magtaxi ka na lang or magjeep nakakatulong ka pa sa mga drivers!
9. STRICT IMPLEMENTATION OF 1/3 – 2/3 POLICY – Sino mahilig maglakad sa downtown area. Dahil sa dami ng nagtitinda sa sidewalk eh dun ka na lang dadaan sa kalsada mismo. Iwas disgrasya po tayo. Ang sidewalk ay para sa mga taong naglalakad at hindi po lang para sa mga nagbebenta.
10. DAVAO 911 – Nasubukan nyo ng tumawag sa 911 dahil sa emergency? I did, and a lot of times already. Meron pang isang beses noon meron akong nakitang nagsuntukan na grupo ng mga lasing, isang tawag lang ng 911, dumating agad yung mga mobile ng police at tinigil yung away. Vehicular accidents naman, ilang beses na ako tumawag kasi may naaksidente sa daan, sabi ng operator sir papunta na po yung mga medics namin and marami na pong tumawag kanina. Eh diba ang galing? Yung mga taga davao na mismo ang nagrereport agad agad sa mga authorities tuwing may aksidente, sunog, or krimen na nagaganap.
Eh sino bang Mayor ng potang inang lugar sa Pilipinas ang nakagawa ng ganito? Yung kayang disiplinahin ang mga may matitigas na ulo kagaya ko. Pasensya na po at medyo napamura ako. Gusto ko lang po kasing itatak sa kokote ng mga iba nating kapatid na Pilipino na napaka sensitibo at napakakitid ng utak, na hindi lahat ng taong NAGMUMURA ay p*tang in*ng walang kwenta.
Do you agree with what he had to say? Why or why not?