One of our readers sent us a message seeking help to find a new home for Whitey, a dog who was abandoned by owners when a squatters area was demolished.
Here’s the message below.
PLEASE TAKE TIME TO READ: WANTED ADOPTIVE FAMILY FOR ASPIN NAMED WHITEY.
Meron pong aso malapit sa lugar namin na palagi namin pinapakain ng mommy ko. Dati siyang aso nung isang family sa squatter’s area, yung squatter’s area nademolished na at iniwan siya nung may-ari sa kanya, nakatali lang siya dati kaya hindi siya talaga natuto maghanap ng pagkain, minsan nabibigyan siya ng family na may-ari sa kanya, minsan naman hindi. Sobrang malnourished siya and being a dog owner ourselves, nakakaawa talaga lalo na’t alam mo na sa amo lang naman aasa ng pagkain itong aso na to. Ngayon, medyo nag-gain na siya ng weight and naging lively na.
Kagabi, sobrang lakas ng ulan, hindi namin siya napakain ng mommy ko, nagworry talaga kami sa kanya, kaya amidst the typhoon nagpunta kami sa may tulay kung saan siya lagi nakatambay, unfortunately hindi namin siya nakita, pero kanina lang habang pauwi ako, nagsimula na naman umulan nakita ko siya kaya kinuha ko na dahil kawawa naman gutom siya at baka mahirapan makahanap na masisilungan, pinakain ko na po siya, gutom na gutom siya at nanginginig siya habang kumakain. Tinuyo ko na rin po yung katawan niya.
Ngayon po, nasa may daanan po siya ng bahay namin, medyo masikip po itong daanan na to, as seen in the pictire. Meron po kaming mga boarder at alam ko po na magiging problema talaga ito, as much as I really want to adopt him hindi po talaga kaya dahil wala pong space sa bahay namin, pansamantala lang po talaga siya pwede sa bahay namin, in fact ilalabas na po namin siya tomorrow, sana wala ng bagyo bukas.
Sana ngayong pasko, bigyan natin ng chance itong aspin na ito na magkaron ng sarili niyang lugar at family. Mabait po siya and malambing. Nung binuhat ko po siya, natatakot ako ng kagatin nya ko, afterall natural lang to sa aso, defense mechanism nila to pero hindi niya ginawa. Napansin ko din sa kanya na para siyang natatakot sa tao, lagi siyang nakayuko when I approach, playful din naman siya pero need pa icondition.
Long overdue na po to, sana matagal ko ba siyang napost dito. At sana meron pong mag-adopt sa kanya. Kahit ako na po magbayad ng pamasahe niyo para makuha siya.
Let’s help find Whitey a new home! Anyone interested in adopting Whitey? Or can anyone provide information where they can bring Whitey?
You may contact us or the message sender via FB message (Cherryl Cordora) or through email (cherrylcordora@gmail.com).