When in Manila, we often see people begging for alms. Some of these beggars have physical disabilities, prompting people to feel more compassionate towards them. However, there are people with disabilities who choose to find jobs instead of begging in the streets. This is what Kuya Mulong from Bicutan does.
Kinah Villanueva posted these photos on her Facebook account, and shared the story of how she met him.
Make this man known, friends! he deserves it! :)
Noong Miyerkules, this man really, really really touched my heart. Habang ako’y naglakakad sa Gen. Santos Avenue sa Bicutan, napansin ko siya. Ang payat payat niya, naka-baluktot. Kuba. May mga samu’t-saring tinapay sa harapan niya na nakalagay sa tray.
Nagtanong ako, “Kuya magkano ‘yun?” Hindi siya sumagot. Inilabas niya ang kanyang kamay para ipakita ang kanyang mga daliri. “Ah, limang piso po…?” Tumango siya.
Kitang-kita ang hirap ng dala ng kanyang kapansanan. Kaya nang susuklian na niya ako, sabi ko huwag na dahil mas kailangan niya ng pera. Binigay ko na rin ang aking payong para may silong siya kapag uulan na..
Napangiti ako na may kaunting luha sa aking mga mata. Hindi lingid sa kanya ang kanyang kapansanan para makapagtrabaho at kumita.
Kahit niloloko siya ng mga taga-roon tuloy pa rin ang pagtinda niya. Akalain mong apat na taon na siya nagtitinda?
Nagkwentuhan kami. Hindi niya masabi ang pangalan niya. Kahit puro kamay lang ang kanyang gamit, nakita ko sa mga mata niya ang pagpupursigi na kausapin ako. Tatawa ako. Ngingiti siya.
Nang tanungin ko kung naniniwala siya kung may Diyos at kung mahal niya Siya, ngumiti siya at nag-”aprub”. Ipinalangin ko siya.
Wala na siyang magulang. Kasama na lang niya ang kanyang kapatid. Mukhang sinusundo siya..
Naisip kong kuhanan siya ng litrato para magsilbing inspirasyon ito sa iyo at sa akin. Pangako ko sa kanya na dapat makilala siya sa FB dahil sa kanyang sipag at tiyaga. Hindi kagaya ng mga pulubi na nagkukunwaring may kapansanan para makapaglimos.
At higit sa lahat, tunay na nakakamangha ang kanyang pananampalataya.
Saludo po ako sa inyo.
*Kung taga-Bicutan kayo o mapapadaan sa Gen. Santos Ave., please bumili po kayo sa kanya. Nasa tapat siya ng Landbank, sa kanan kapag manggagaling sa footbridge.
And, please say a prayer of healing and more blessings for him. Thank you. God bless your heart. :)
At kung may mga gustong tumulong kay Kuya, please don’t hesitate na mag-PM sa akin po. I would love to help you po
This story quickly went viral. Because of all the people who expressed interest to help, Kinah started the 100-Peso Project. They have a Facebook group, where netizens exchange ideas and suggestions on how to help out. Kinah posted this:
What do you think of this story? Do you have anything to add? Let us know in the comments below!