He is Edmar.
He goes to school on weekdays and (makes and) sells “alkansyang bahay” on weekends in Manila.
Leandro Santos shared about his encounter with Edmar via Facebook. He said:
Parang walang tao ang hindi maantig ang puso kapag nakita ang batang to. Probably this is not the first time that someone will post about this boy.
Lumabas lang ako saglit para bumili ng meryenda at magbreak saglit sa pagbabasa. Habang naglalakad sa P.Noval, nilagpasan ko ang isang batang may dalang dalawang malaking supot ng plastik. Noong medyo nakalayo na ako, narinig ko syang sumigaw ng “Alkansya! Alkansya po!”. Nilingon ko siya at nagdecide akong tawagin siya para tignan kung ano ang dala-dala niya.
Naglalako ang bata ng mga “Bahay na alikansya”. Tinanong ko kung magkano ang isa, ang sabi nya PhP 200.00 sa malaking bahay at PhP 70.00 sa maliliit. Bago ako bumili hindi ko napigilang usisain siya.
Edmar daw ang pangalan niya at 11 years old na daw siya. Kasama niyang lumuluwas ang nanay niya galing sa Rosario, Cavite papunta dito sa Maynila tuwing Sabado at Linggo para magbenta ng alkansya. Habang nakapwesto malapit sa simbahan ang nanay niya, naglalako naman siya para mas marami daw silang mapagbentahan. Gawa daw ng nanay niya ang malalaking bahay, siya naman yung maliliit. Tuwing weekend lang daw siya nakakapaglako dahil pumapasok siya sa school tuwing weekdays sa kanila.
Hindi ko alam pero muntik na ako maiyak habang kinakausap ko siya. although may kadungisan siya nakita kong hindi siya nagpapaawa para makabenta. Bumili ako ng dalawang alikansya na tig 70. Naisip ko kagad kunin kung may contact number siya para kung sakaling may maisip akong tulong na pwedeng magawa para sa kanila magnanay malaman ko kung saan siya mapupuntahan pero wala daw silang cellphone.
Hindi ko alam ang buong istorya tungkol sa buhay niya at siguro kalabisan na magisip pa higit sa sandaling panahon na nakausap ko siya.
Ang maliwanag, humanga ako kay Edmar. Naisip ko na siya ang lehitimong working student. Para akong nahiya sa sarili ko. Lagi kong iniisip na sana nagkaron ako ng mas maginahawang buhay para hindi ko na pagdaanan ang mas mahirap na buhay na meron ako, na sana nagaaral lang ako ng Law at hindi na magtrabaho.
Pero si Edmar, 11 lang siya, naglalaro dapat siya tuwing walang pasok. Pero pinili niyang suyurin ang mga kalsada para tulungan ang nanay niya. Wala pala akong karapatang magreklamo.
Pero mas lalo akong bumilib sa nanay ni Edmar. Napakaraming mga magulang ang pinababayaan ang mga bata nilang anak na manlimos, sa UST lang napakaraming bata na sinasamahan pa ng magulang para manlimos. Pero iba ang nanay ni Edmar, tinuturuan niya si Edmar ng napakagandang aral. Ang kahalagahan ng pagsusumikap. Na hindi mo kelangan manlimos at magmakaawa sa tao para mabuhay. Pwede kang magsumikap at kumilos para makuha mo ang gusto mo. Na gaya ng alikansyang binebenta niya, kelangan mo lang magipon at magsumikap at balang araw mapupuno mo rin ang lahat ng pangarap na meron ka. Salamat Mama Emma para sa parehong aral na tinuro mo sakin.
Gusto ko sanang tulungan sila Edmar. Hindi para bigyan ng limos pero para tulungan sila makabenta. Anna and Jhunnel baka pwedeng pagtulungan nating makita si Edmar tapos mag set tayo ng event kung san pwede sila makabenta ng Bahay na alikansya sa UST.
Taga-Rosario Cavite daw sila, sana makita natin sila, sana maging posible. Matutulungan pa natin makaipon ung mga Thomasian na bibili ng bahay alikansya sa kanila. Win-win to para sa lahat.
This is really inspiring. We hope we can find a way to reach out and help.
Also, be like Edmar. :)