Quantcast
Channel: Trending & Features – When In Manila
Viewing all articles
Browse latest Browse all 15529

Inspirational: Poverty Is Not A Hindrance to Finishing College, We Owe It To Our Parents

$
0
0


ariessinpirationalstory12801546_1154975527854004_2566172727460057703_n

Aries Alviz Mercado posted his inspiring story on Facebook on how he struggled to finish college in the midst of poverty.

He dedicates his success to his family. His mother is a laundry woman and his father is a house painter, while his siblings are farmers. He recalls all of his struggles from not having money to go school, filling his stomach with rice and salt, wearing the same uniform set everyday and studying all day and night to finish his school work.

He lives in a humble home in Porac, Pampanga. His house did not have any proper roofing nor flooring. There were even times when his school books were wet from the rain that their roof could not hold.

He thanks everyone who has helped him through his journey. Some of his teachers would give him some money just to continue coming to school. He also thanks the ones who made fun of his situation – the people who told him that he could not do it and told him to quit.

ariessinpirationalstory10419994_1154976217853935_216643025672527631_n

He tells us about his course:

“Nagtapos po ako sa kursong Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya na nagpapakadalubhasa sa Filipino (BSEd FILIPINO) sa Don Honorio Ventura Technological State University Main Campus, Bacolor Pampanga.”

He hopes that this will be inspire everyone struggling with the same problems. Everything can be done with hard work and perseverance.

Direct Quote:

Hindi ko na alam kung ilang beses nakipaglabada ang aking ina para maitaguyod lamang ang aming pamilya. Hindi ko na alam kung ilang beses namantsahan ng pintura ang damit ng aking ama dahil sa hanapbuhay niya. Hindi ko na alam kung ilang beses nagtanim at naggapas ng palay ang aking mga kapatid upang ang bigas ay kanila lamang maihatid.

Walang nakaaalam kung kanino ako nangutang ng P300 para lamang makapasok sa kolehiyo. Walang nakababatid kung ilang beses akong pumasok nang walang baon. Walang nakaaalam kung ilang beses kong sinuot noon ang isang kamiseta na regalo ng aking ama sa tuwing may paligsahan. Walang makapagsasabi kung ilang beses kong ginamit ang isang pares ng uniporme sa mga unang taon ko sa hayskul at kolehiyo na araw-araw nilalabhan ng aking ina. Walang makapagsasabi kung ilang beses akong nakiusap sa mga opisina para payagan lamang akong makapag-enrol dahil wala akong pambayad. Walang nakaaalam kung ilang beses akong naghanap ng scholarship ngunit kahit isa ay walang tumanggap sa akin. Walang nakatitiyak kung ilang beses akong umuwi ng bahay para kumain ng kanin na may tubig at asin. Walang makapagsasabi kung ilang beses akong binigyan ng pamasahe at pinakain ng iba’t ibang mga guro maipagpatuloy ko lamang ang pag-aaral ko. Walang nakaaalam kung ilang beses kong ginamit ang pinaglumaang damit at gamit ng aking mga kapatid para makapasok sa paaralan. Walang nakatitiyak kung ilang beses kong ginamit ang isang bag na butas-butas kahit ako’y nasa kolehiyo na. Walang nakababatid kung ilang beses akong nauntog sa bubong ng aming bahay kahit pa ako’y yumuko dahil sa sobrang baba nito. Walang nakatitiyak kung ilang beses nabasa ang mga aklat ko dahil sa pagtulo ng ulan sa loob ng aming bahay dahil maraming butas ang bubong nito. Walang makapagsasabi kung ilang panalangin ang inusal ng aking mga kapatid sa pananampalataya para lamang makapag-aral ako. Walang nakatutukoy kung ilang beses nadumihan ang aking mga paa dahil ang inaapakan ko sa loob ng bahay ay lupa at hindi semento. Walang nakaaalam kung ilang beses akong nagpuyat at hindi natulog para lamang tapusin ang aking mga gawain. Walang nakatitiyak kung ilang beses akong pumasok nang maaga kahit pa ang klase ko’y tuwing gabi pa. Walang nakababatid kung ilang beses napuyat ang aking mga magulang para lamang bantayan ako sa tuwing nag-aaral ako ng leksyon dahil nangangamba sila na baka makatulog na naman ako sa harapan ng mga aklat dahil sa sobrang pagod. Walang nakaaalam kung ilang beses akong tumulong sa mga proyekto at ulat nang iba kahit pa wala itong kapalit mula sa kanila. Walang nakaaalam kung ilang beses akong hinatid ng aking tatay sa paaralan at sa mga patimpalak na aking nilalahukan.

Ito ang mga bagay na naging inspirasyon ko upang makatapos sa kolehiyo; mga bagay kung bakit ako nagsisikap sa kabila ng hirap; mga bagay na isinasaalang-alang ko sa bawat araw ng aking buhay; mga bagay na kaunti lamang ang nakaaalam dahil kaunti lamang ang nakauunawa sa tunay na kalagayan ko sa buhay; mga bagay na nagsilbing dahilan kung bakit ayaw kong umuwi sa bahay nang walang dalang medalya at sertipiko sa pagtatapos ng klase.

HINDI NA MAHALAGA PA KUNG HINDI SEMENTADO ANG BAHAY NAMIN. HINDI NA IMPORTANTE PA KUNG WALA AKONG BAGONG DAMIT AT GAMIT. HINDI NA MAHALAGA PA KUNG NAUUNTOG AKO DAHIL SA MABABA ANG BUBONG NG BAHAY NAMIN. HINDI NA IMPORTANTE PA KUNG KAPOS KAMI SA PERA. HINDI NA MAHALAGA PA KUNG WALA AKONG BAON AT NAGUGUTOM AKO SA PAARALAN. HINDI NA IMPORTANTE PA KUNG WALA AKONG BAGONG UNIPORME. HINDI NA MAHALAGA PA KUNG HINDI NAKAPAGTAPOS SA PAG-AARAL ANG AKING MGA MAGULANG AT KAPATID. HINDI NA IMPORTANTE PA KUNG MINSAN KAMING HINAMAK NG IBANG TAO DAHIL SA ESTADO NAMIN SA BUHAY. HINDI NA MAHALAGA PA KUNG WALA KAMING ULAM SA TUWING KAKAIN KAMI.

ALAM NIYO BA KUNG ANO ANG TUNAY NA MAHALAGA? WALANG IBA KUNDI ANG PAMUMUHAY NANG MARANGAL AT MAY PAGPAPAHALAGA SA BAWAT SAKRIPISYO NG ISANG PAMILYA PARA MAPALAKI KA. ANG MAHALAGA AY TUMAYO KA PAGKATAPOS MONG MADAPA. ANG MAHALAGA AY NAGPATULOY KA KAHIT PA HINAMAK KA NILA. ANG MAHALAGA AY NAGPAPASALAMAT KA SA KUNG ANONG MAYROON KA. ANG MAHALAGA AY GUMAWA KA NG PAUNANG HAKBANG UPANG MAGTAGUMPAY KA. ANG MAHALAGA AY HINDI ANG ESTADO MO SA BUHAY KUNDI ANG PANGARAP MO UPANG MAGKAROON NG MAS MAGANDANG BUHAY.

KAILAN MAN AY HINDI KO IKINAHIYA NA ISANG LABANDERA AT KASAMBAHAY ANG AKING INA, NA LUMAKI AKO SA PAGPIPINTURA NG TATAY KO BAGAMAT ITO AY HINDI ISANG PERMANENTENG TRABAHO, NA MAGSASAKA ANG AKING MGA KAPATID DAHIL ANG MGA ITO’Y MARARANGAL NA HANAPBUHAY. KAYA IPINAGMAMALAKI AT ISINISIGAW KO SA BUONG MUNDO NA ITO ANG BUHAY KO KAYA NAGTAGUMPAY AKO.

Kung nasasaktan ako, mas nasasaktan ang aking pamilya lalo pa’t nang sinabi ng iba na hindi ako dapat mag-aral dahil wala kaming pera. Sinong anak ang hindi masasaktan kung makita niyang umiiyak ang kanyang mga magulang dahil hindi niya nakuha ang sa tingin ng marami na dapat ay para sa kanya? Nag-aaral ako para sa aking pamilya at sa mga taong tunay na nagtitiwala at nagpapahalaga sa aking kakayahan. Maraming parangal na ang aking nakamit sa mga paligsahan, maraming beses na akong nahalal na pinuno ng organisasyon, makailang ulit na akong naging manunulat sa mga pahayagan, maraming medalya at sertipiko ang ibinigay sa akin NGUNIT SINO BA ANG TUNAY NA MATALINO? HINDI AKO KUNDI SILA–ANG BAWAT MIYEMBRO NG AKING PAMILYA. OO, ANG AKING MGA KAPATID AY NAKATAPOS LAMANG SA SEKONDARYA AT ANG AKING MGA MAGULANG AY NAKATAPOS HANGGANG ELEMENTARYA NGUNIT SA TINGIN KO’Y MAS MATALINO AT MAS MAGALING SILA. BAKIT? DAHIL LAHAT SILA AY UMAPAK SA PUTIK SA BUKID, NASUGATAN ANG KANILANG MGA KAMAY, NADUMIHAN ANG KANILANG MGA DAMIT AT TINIIS ANG INIT NG ARAW PARA LAMANG PAG-ARALIN AKO. AKO, NA BUNSO SA PAMILYA, ANG TANGING NAKAPAGKOLEHIYO DAHIL SILA ANG NAGING INSPIRASYON KO. KAHIT MAHIRAP, NAGTIIS SILA PARA PAG-ARALIN AKO. DAHIL DITO, SILA AY TUNAY NA MATALINO HINDI MAN SA PANINGIN NG IBANG TAO, NGUNIT SA PAKIWARI KO, ITO ANG TOTOO.

SA AKING INA AT AMA NA SINA CORAZON AT ALBERT MERCADO, SA AKING MGA KAPATID NA SINA KUYA RAFFY, FRANCIS, JHON LERY MERCADO, ATE LEN AT SA LAHAT NG MGA TAONG TUMULONG, SUMUPORTA AT NAGTIWALA SA ISANG ARIES ALVIZ MERCADO, ANG LAHAT NG KARANGALAN KO AY PARA SA INYO. KAYO ANG TUNAY NA NAGMAMAY-ARI NG MGA ITO. KAYO, NA NAGSILBING LAKAS KO, ANG DAPAT MAKATANGGAP NG LAHAT NG ITO.

HINDI KO MAN NAKUHA ANG SA TINGIN NG MARAMI NA DAPAT AY PARA SA AKIN, BILANG BUNSONG ANAK, DAPAT KO PA RING IBIGAY ANG ANUMANG KARANGALAN NA NARARAPAT TANGGAPIN NG MGA MAGULANG KO.

Ang pagtatapos ko sa kolehiyo nang may karangalan ay ANG PINAKAMALAKING HANDOG SA AKIN NG DIYOS NA SIYANG DAHILAN NG LAHAT; isang bagay na maituturing kong regalo sa nalalapit kong kaarawan sa ika-5 ng Abril ng kasalukuyang taon.

TUNAY NGA NA MABUTI ANG DIYOS SA MGA TAONG TUNAY NA NANINIWALA SA KANYANG KAPANGYARIHAN.

SA DIYOS ANG LAHAT NG PAPURI! 

 

Share this with someone who needs inspiration with his/her studies!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 15529

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>