Quantcast
Channel: Trending & Features – When In Manila
Viewing all articles
Browse latest Browse all 15529

READ: Netizen’s Meaningful and Heartbreaking Letter to Miriam Defensor – Santiago

$
0
0

Even though the mala-Miriam Santiago #ElectionHugot lines are the funniest on social media, they somehow reflected the true feelings of the Filipino people who believe, love, and care for her.

#ElectionHugot

Nevertheless, she has the qualities of a leader. She has 10 awards and authored nine (9) laws, specifically Sin Tax Law and Reproductive Health Act, under her name.

Sadly, she wasn’t hailed the President of the Philippines – however,as the saying goes, “everything happens for a reason.

Everyone agrees that she was “the President we never had.” 

With that said, this Netizen wrote a meaningful and heartbreaking letter to Madame Miriam Defensor – Santiago.

Read what Aki Dela Pena had to say about her loss this 2016 presidential elections:

“If I will not win this election, this is my last political campaign and I will no longer serve the senate.”
“I don’t have as much money as my rivals. All I have to bank on is the love of the youth; their idealistic support for me without asking for money. I only have my volunteers.”
To my dearest Miriam Defensor-Santiago,
Ilang taon mula ngayon, babaliktanawan natin ang taong ito. Kung saan ipinagkait natin sa kanya ang pagkakataon mamuno para sa pagbabago. Kung kailan binitawan natin ang kapirasong pag-asa na mababago pa ang bansang ito.
Patawad Miriam..
Patawad dahil hindi naging sapat ang lakas ng kabataan upang maihatid ka sa Malacañang.
Patawad kung nanatiling nakapikit ang mga matang nagbubulag-bulagan.
Patawad kung muli ka na namang tinalikuran ng kapawa mo Pilipino.
At patawarin mo kami dahil binigo ka namin. Patawarin mo kami dahil muli naming ipinagkait sa iyo ang pagkakataong pamunuan ang bansang ito. Patawarin mo kami kung hindi pa kami handa para sa isang tulad mo. PATAWAD.
Maraming salamat Miriam..
Salamat sa buhay mo.
Salamat sa inspirasyong dala mo sa kabataang tulad ko,
Salamat sa paglilingkod mo sa kapwa mo pilipino. At Miriam, salamat. Salamat sa hindi mo pagsuko, salamat sa pagtuloy mo ng laban para sa bansa mo at salamat sa pagbubuklod na ginawa mo sa kabataang Pilipino.
Maraming salamat dahil alam kong hindi nasayang ang boto ko para sa iyo. HINDI KAILANMAN MASASAYANG AMG BOTO SA TAONG INIIDOLO AT INSPIRASYON MO. Ang boto ko ay nararapat lamang para sa iyo.
Marahil ay ito na ang wakas ng papel mo sa istorya ng bansang ito, pero naniniwala akong ito pa lamang ang simula ng panibagong hamon sa tulad mong hinubog ng talino, puso at pagmamahal sa pilipino.
Ilang taon mula ngayon, panghihinayangan namin ang isang tulad mo. Sa oras na yun ay masaya ka nang namamayagpag sa banyagang bansa na nagbigay pugay sa runong at abilidad mo. Marahil ay huli na ang lahat para sa Pilipinas upang hilingin ang pagbabalik mo.
Nararapat ka lamang na maging masaya. Kaya’t oras na upang pakawalan ka ng bansang pinag-alayan mo ng buhay mo. Masakit. Ngunit alam kong iyon ang pinakamagandang desisyon na maibibigay namin s iyo, ang palayain ka sa kamay ng mga pilipinong bumitaw na ng kapit sa iyo.
Madame, kailangan ka ng Pilipinas. Pero kailangan ka din ng sarili at pamilya mo. Kaya’t kung darating na ang araw na lisanin mo ang bansang ito.. Hindi kami magsasawang maghintay sa pagbabalik mo dahil alam namin na sa pagbabalik mo, isang mas matagumpay na Santiago ang bitbit mo.
Gaya ng pangako ko, hindi ako titigil sa pagsusulat ukol sa buhay mo. Wag mo rin sana itigil ang pag-abot mo sa mga pangarap mo. Pangarap namin para sayo.
Patawarin mo kami kung muli ka naming tinalikuran. Patawad.
Hindi ako maninira, hindi ako magsasabi ng kung ano anong masasakit na salita laban sa mga kandidatong nanguna sa eleksyong ito. Hangad ko lamang ay ang malinis na konsenya ninyo. Dahil sa pagtatapos ng araw, kayo rin naman ang magbabayad sa kasamaang ginawa, ginagawa at gagawin ninyo.
Madame, alam namin na hindi mo kami binigo hanggang sa pinakahuling pagkakataon.
Ngunit Madame, oras na ata upang bumitaw lamang.
Patawad kung tanging pag-iyak na lamang ang maisusukli ko sa dulot mong saya at inspirasyon. Pangako, ito na ang una at huling beses na iiyak ako sa eleksyon.
Maraming salamat dahil binigyan mo kaming mga kabataan ng pagkakataon upang maging instrumento sa pagbabagong dulot mo. Tatanda ako, magkakaanak at magkakaapo ngunit babaunin ko ang alaala ng pamumuno at kabutihang loob mo. Balang araw lahat ng ito ay magiging bahagi ng kasaysayan.
Salamat dahil minsan sa buhay ko, naging isang responsableng mamamayan ako. At taas noo kong maipagmamalaki sa susunod ma henerasyon na minsan sa kasaysayan ng bansang ito ay napaglingkuran ko ang isang Miriam Defensor Santiago.
Ngayong gabi, napatunayan mo na hindi ka man nanalo sa boto, panalo ka naman sa puso ng mga kabataan at iilang pilipino. Isang emosyonal na pagtatapos para sa aming lahat. Tila isa kaming musmos na umiiyak dahil iiwan na kami ng aming pinakamamahal na ina sa kadahilanang kailangan nyang mangibang bansa para sa mas malaking oportunidad at serbisyo.
Mahal ka namin. Mahal kita. Lagi mong tandaan na hindi kailanman nasusukat sa bilang ang pagmamahal ng tao.
You will always be our ‘ALMOST’.
And you will always be my PRESIDENT. Ikaw lang ang presidente ng kabataang pilipino.
Yung mga luhang kanina ko pa pinipigil, ngayon ay nag-uunahan na sa pagpatak. Wala kang pagkukulan Madame, sobra sobra ka pa nga. Hindi lang talaga nagawang mamulat ng pilipino sa kung anong kaya mong gawin para sa bansang ito. Huwag kang mag-alala. Patuloy ka pa rin naming susuportahan nasaang panig ka man ng mundo.
Patawad kung ito lang ang naisukli namin sa apatnapu’t pitong taong paninilbihan mo sa bansa. Pero madame, nakakasigurado ako na bawat isa ng botong nakuha mo ay boto ng sinseridad at respeto. Boto na galing sa puso at prinsipyo.

Maraming salamat sa iyo pangulo ko. Hanggang sa muli Youth-President Miriam Defensor Santiago 🙇🙇🙇

PS: Kung makaabot man ito sayo Madame, gusto kong malaman mo na milyong kabataan ang umiiyak ngayon para sayo. Ganyan ka kamahal ng mga tagasuporta mo.

 

Genuinely, she is smart and courageous. In fact, she was named one of The 100 Most Powerful Women in the World in 1997 by The Australian magazine, according to Senate Biography (Wikipedia).

What are your thoughts about this? Share them in the comment section below.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 15529

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>