When In Manila, you never know what sights will greet you. This is what Facebook user Gerrard Sulit came across on his daily commute:
Source: Gerrard Vincent Sulit’s Facebook Page
Full Text:
Nakasakay naba kayo sa jeep na to? Bumibiyahe sila Monumento-Sta.Maria. Minsan ko na rin sila nakita nung kumakaen ako ng tanghalian sa isang kainan sa tapat ng SM Marilao. Bumili sila ng makakaen na akala ko sa kanilang mag asawa pero biglang may lumabas na aso at tuta sa jeep nila, doon nila pinakaen ang binili nilang ulam at kanin.
Bigla ako napaisip na bakit isinasama sa sasakyan yung mga aso nila, hindi ba nila naisip na baka biglang mangagat kung sakaling makakita ng ibang tao o maapakan sila bigla ng mga sumasakay sa jeep. At yun nga pagkatapos kumaen ng mga aso nila ay kusang sumakay na ang mga aso sa loob ng jeep at bumiyahe na sila ulet.
Kahapon nung sumakay ako sa may Karuhatan Valenzuela, natandaan ko silang mag-asawa yung may mga kasamang aso kapag bumibiyahe. Maraming sumakay ng oras na iyon, kung ngayon ka lang nakasakay sa kanila kahit sinong pasahero hindi iisipin na may aso sa ilalim ng upuan. Habang nasa biyahe tinitignan ko yung aso sa ilalim na baka matapakan yung paa nyang nakalabas bahagya at hindi nga ako nagkamaling may nakatapak sa kanyang pasahero. Alam kong alam ng pasahero na may natapakan syang ewan pagtingin nya sa baba pero hindi nalang nya pinansin at nagbayad nalang na parang nangyare. Ang nakakagulat lang ay hindi manlang umimik yung aso nung natapakan sya ng pasahero at sumisiksik na lamang sa sulok para hindi na sya maapakan ulet. (may mga bagay talagang hindi natin alam minsan nakakasakit na tayo #hugot )
Nakakatuwa lang isipin na hindi lang basta aso ang turing nila sa alaga nilang hayop, kundi ay parte na rin ng kanilang pamumuhay kung saan na lagi nilang kasama kung saan man sila magpunta. Para sa mga dog owner wag nyo ituring na basta lang na alaga nyo ang mga aso nyo kundi gawin nyo itong parte ng inyong pamilya. Para sa mag-asawa na ito at sa kanilang mga aso, marami pa sana yung tulad nyo na itinuturing na pamilya ang kanilang mga alagang aso. Godbless po sa inyo! Maging safe po sana lage ang pagbiyahe nyo sa araw-araw. ☝
What do you think?